Tuesday, May 27, 2008

Ang Bago Kong Kaibigan











Ang Bago Kung Kakilalang Kaibigan










Halu ,Magandang araw ako si Jen ,sino kayo?




Ako si Turtle Hi,




ako naman si Guruduk,




si Sober Bob naman ako, Ako naman Si Sparkie Hi.....








Sila ang mga nakilala kong bagong kaibigan,biruin n'yo ang gagaling nila.Nakatutuwa nga at kayang-kaya nilang magtumbling-tumbling at palipad-lipad. Oo, ang gagaling nila. Natitiyak kong magugustuhan din ninyo sila. Mga alaga sila ni Marvin...Marvin sabi ko at hindi Mario ha?








Natuto akong gawing kasiya-siya ang powerpoint presentation ko na katuwang sila.Maari kong tawagin sila para maging katulong ko sa pagtuturo. Matutulungan nila ako sa pagkuha ng atensyon ng aking klase.Napasasaya nila ang mga mag-aaral.Kaya inaanyayahan ko kayong kilalanin din sila.




Ito ang gusto kong malaman at imbistigahan pa tungkol sa mga alaga ni Marvin.Kung paano ko makokopya ang larawan nila at ilagay ko sa aking ibang software.,Kung paano ko maedit ang mga speech baloon na nakalimutan kong "ihide" na hindi kailangang burahin ang mga natapos kong gawain.

No comments: